^

PM Sports

Sotto swak na sa Hiroshima

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dumagdag si Kai Sotto sa humahabang listahan ng Filipino players sa Japan matapos pumirma sa Hiroshima Dragonflies sa B.League.

Dalawang araw lang matapos ianunsyo ang pag-alis sa National Basketball League sa Australia, nakahanap si 7-foot-3 Filipino pride Sotto ng bagong tahanan kung saan inaasahang mas magiging matayog ang kanyang lipad.

Ayon sa Dragonflies, malaking isda ang kanilang nabingwit sa katauhan ni Sotto na sakto sa kakulangan nila ng sentro na lalo pang magpapalakas sa kanilang mis­yong makipag-karera sa kampeonato ngayong season.

Nasa ikaapat na puwesto ang 36ers hawak ang 27-9 kartada at sa tulong ni Sotto, inaasahang lalo pa silang aangat dahil sa kalibre nito bilang isa sa pinakamagaling na Asian players kasama sina Rui Hachimura at Yuta Watanabe na nasa NBA.

Sa katunayan, ang Hiroshima ay dating team ng isa pang Pinoy stalwart na si Justine Baltazar bago siya pakawalan noong Disyembre.  

KAI SOTTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with