^

PM Sports

Magandang puhunan mula kay Simmons

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Umalis si Jonathon Simmons pabalik sa Chinese league na nag-iwan sa PBA ng perfect 4-0 win-loss slate.

Pero kasama sa naiwan ang mabigat na pressure sa kanyang NLEX import replacement na si Wayne Selden.

Ang siste pa eh, masalimuot ang mga unang laban na haharapin ni Selden — Barangay Ginebra ngayong gabi kasunod ang Magnolia, Converge at Meralco.

Pawang top-tiers ang unang larong haharapin ni Selden, samantalang malayong mas magaan ang dinaanan ni Simmons — Blackwater, NorthPort, TNT at Phoenix Super LPG.

Ang ibig kong sabihin, papasimula pa lang ang tunay na pagsubok kina coach Frankie Lim at sa kanyang tropa.

Pero baka naman nga malaki ang maitulong ni Selden — nakikitang premyadong manlalaro rin base sa kanyang credentials.

Gaya ni Simmons, lehitimong NBA veteran si Selden na may disenteng numerong itinala sa Memphis, New Orleans, Chicago at New York.

Iyon nga lamang, kilala siyang winger pa mula pa sa kanyang collegiate career sa University of Kansas, samantalang kailangan ng NLEX ng import na scorer at humuhugot din ng rebound, dumedepensa at may leadership.

Makikilatis ang NLEX nang husto sa kanilang susunod na apat na laro.

Kung makahugot ng at least 2-2 card, malaking bagay at maaaring dumiretso sila sa playoffs.

At siyempre, salamat pa rin kay Simmons sa magandang puhunang iniwan sa koponan.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with