Leonard inilusot ang Clippers sa Knicks
NEW YORK — Naghulog si Kawhi Leonard ng 35 points, habang may 30 markers si Paul George para tulungan ang Los Angeles Clippers sa 134-128 overtime win sa Knicks.
Ipinasok ni Leonard ang lahat niyang walong free throws sa extra period para sa 30-26 record ng Los Angeles.
Nag-ambag si Norman Powell ng 24 points.
Pinamunuan ni Jalen Brunson ang New York (28-26) sa kanyang 41 points kasunod ang 23 markers ni Julius Randle.
Isinuko ng Clippers ang 17-point fourth quarter lead bago isalpak ni Nicolas Batum ang isang triple sa regulation buzzer para dalhin ang Knicks sa overtime, 115-115.
Sa Denver, kumamada si Jamal Murray ng season-high na 41 points at inilista ni Nikola Jokic ang kanyang ika- 18 triple-double sa season sa 128-108 paggupo ng Nuggets (37-16) sa Atlanta Hawks (27-27).
Sa Milwaukee, nagposte si Giannis Antetokounmpo ng triple-double ng 35 points, 15 rebounds at 11 assists sa 123-115 panalo ng Bucks (36-17) sa Miami Heat (29-25).
Sa San Francisco, tumipa si Stephen Curry ng 21 points sa 119-113 pagdaig ng Golden State Warriors (27-26) sa Dallas Mavericks (28-26).
Sa Chicago, humataw si Zach LaVine ng 36 points sa 129-121 paggiba ng Bulls (25-27) sa Portland Trail Blazers (26-27).
Sa New Orleans, may 35 points si Brandon Ingram sa 131-126 paglunod ng Pelicans (27-27) sa LA Lakers (25-29).
- Latest