^

PM Sports

Choco Mucho nakauna sa Akari sa PVL opener

Nilda Moreno - Pang-masa
Choco Mucho nakauna sa Akari sa PVL opener
Gigil na hinatawan ni Issa Molde ng Choco Mucho si Michelle Cobb ng Akari.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Ipinakita kaagad ng Choco Mucho ang ka­nilang tikas matapos walisin sa tatlong sets ang Aka­ri, 25-15, 25-20, 25-20, sa pagbubukas ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Con­fe­rence kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Tumikada sina Madie Madayag, Kat Tolentino at Bea de Leon ng tig-11 points para sa 1-0 record ng Flying Titans laban sa Power Chargers.

Maagang ipinaramdam ng Choco Mucho ang kanilang lakas matapos hatawin ang 25-15 panalo sa Akari.

Nagpatuloy ang ma­init na laro ng Flying Ti­tans kaya nakalamang sila ng 2-0 nang itarak ang 25-20 bentahe sa second frame.

May tsansa sanang ma­kahirit ng fourth set ang Power Chargers ma­tapos makalamang ng dalawang puntos, 13-11, sa third set.

Pero pumalo ng 5-1 ata­ke ang Choco Mucho kasama ang back-to-back spikes ni Madayag para maagaw ang 16-14 benta­he sa Akari.

Hindi na pinahabol ng Flying Titans ang Power Chargers at tinapos ang laban sa tatlong sets.

“Masaya talaga. Parang kinikilabutan ako ka­si first time kong manalo sa PVL kaya ayun, ramdam na ramdam ko pa iyong panalo namin,” sabi ni bagong head coach Dante Alinsunurin

Kumana si Dindin Santiago-Manabat ng 17 markers mula sa 16 kills at isang service ace pero hindi sapat para itaguyod sa panalo ang Akari.

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with