Mojdeh nakaisang ginto sa Korea meet

MANILA, Philippines — Humirit kaagad ng gintong medalya si Micaela Jasmine Mojdeh sa opening dayng Asia Pacific Activities Conference (APAC) Swimming Championships sa Seoul Foreign School sa Seoul, South Korea.
Pinatunayan ni Mojdeh ang pagiging water beast nito matapos mangibabaw sa girls’ 200m Individual Medley kung saan nagrehistro siya ng dalawang minuto at 22.05 segundo.
Inilampaso ng Brent International School ace swimmer sina Hong Kong International School tankes Annika Chu na nagtala ng malayong 2:24.03 para sa pilak at Angelina Ching Nga So na may 1:28.94 sapat para sa tanso.
“It’s my first time competing in APAC and I am happy that I improved again my times. I am thankful to see familiar faces here. Even in this cold weather the APAC vibe is full of warmth,” ani Mojdeh.
Nakahirit pa si Mojdeh ng tansong medalya sa girls’ 100m freestyle sa nairehistro niyang isang minuto at 0.90 segundo sa torneong nilahukan ng iba’t ibang bansa kabilang na ang China, Canada at host South Korea,
Nanguna sa naturang event si Audrey Sandeen ng Hong Kong na may 59.84 segundo, habang pumangalawa ang katropa nitong si Claire Robertson na naglagak ng 1:00.87.
“I get to enjoy swimming here in Korea.They have some fast swimmers and It’s nice to compete with them. Thanks to Brent Aqualions Swim Team and Coach Monching Coach Cathy and coach Len and my teammates. I had a fun time here. I look forward to next year,” ani Mojdeh.
Pinangunahan din ni Mojdeh ang Bren quartet sa pagkopo ng tanso sa girls’ 200m medley relay.
Kasama ni Mojdeh sina Kirsten Tan, Jira Hedeager at Natalia Javier sa pagtarak ng 2:25.63 para angkinin ang ikatlong puwesto.
Napasakamay ng Seoul Foreign School ang ginto tangan ang 2:22.49, habang sumegunda ang United Nations International School of Hanoi ang pilak sa naisumiteng 2:23.03.
- Latest