NLEX sumosyo sa liderato
MANILA, Philippines — Humataw si import Jonathon Simmons ng 38 points para akayin ang NLEX sa 98-94 pagsunog sa Phoenix sa 2023 PBA Governors’ Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.
Inihatid ni Simmons ang Road Warriors sa ikaapat na sunod na panalo para sosyohan ang Converge FiberXers sa liderato.
Laglag naman ang Fuel Masters sa 1-4.
Nagtala rin ang dating NBA player ng 7 rebounds at 5 assists para sa kanyang final game bago maglaro sa Chinese league.
Si dating NBA campaigner in Wayne Selden ang sasalo sa trabaho ni Simmons.
Inilista ng NLEX ang 48-35 abante mula sa layup ni Kevin Alas sa 5:43 minuto ng second period na napababa ng Phoenix sa halftime, 49-52.
Tuluyan nang naagaw ng Fuel Masters ang 71-66 abante buhat sa hook shot ni import Du’Vaughn Maxwell sa 2:47 minuto ng third quarter.
Ngunit nakabalik sa porma ang Road Warriors sa pamumuno ni Simmons para iposte ang 92-76 kalamangan sa 4:39 minuto ng final canto.
Huling naghamon ang Phoenix sa 92-96.
- Latest