San Miguel iginarahe ang dyip

MANILA, Philippines — Sumosyo sa second place ang San Miguel matapos tambakan ang Terrafirma, 122-102, sa 2023 PBA Governors’ Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.
Humakot si import Cameron Clark ng 31 points, 14 rebounds at 4 assists para igiya ang Beermen sa 3-0 kartada katabla ang NLEX Road Warriors sa ilalim ng lider na Converge FiberXers (4-0).
Nagtala si CJ Perez ng 20 markers, 11 boards at 6 assists, habang may 17, 14 at 12 points sina Mo Tautuaa, Allyn Bulanadi at Marcio Lassiter, ayon sa pagkakasunod.
Ayon kay coach Jorge Gallent, hindi nila puwedeng maliitin ang kakayahan ng ibang koponan.
“They started strong and we started flat,” wika ni Gallent. “The best thing about it is after three to four minutes, we woke up and brought our San Miguel basketball.”
Pinamunuan ni import Jordan Williams ang Dyip (1-2) sa nakolektang 30 points, 8 rebounds, 4 asssts, 3 blocks at 2 steals.
Matapos maiwanan sa first period, 19-21, ay humarurot ang San Miguel sa second quarter para ibaon ang Terrafirma sa 57-44.
Naputol ito ng Dyip papasok sa final canto, 78-88, bago muling nakalayo ang Beermen para itagay ang ikatlong dikit na panalo.
Tumipa si guard Juami Tiongson ng 20 markers kasama ang tatlong triples para sa Dyip at may 18 at 10 points sina Eric Camson at Alex Cabagnot, ayon sa pagkakasunod.
Sa ikalawang laro, nalusutan ng TNT Tropang Giga (3-1) ang paghahabol ng Magnolia (0-2) sa 93-85 pagtakas.
Kumamada si Roger Pogoy ng 20 points para banderahan ang TNT.
- Latest