^

PM Sports

Bossing nalasing sa San Miguel Beermen

Russell Cadayona - Pang-masa
Bossing nalasing sa San Miguel Beermen
Dinomina ni June Mar Fajardo ng SMB ang Blackwater sa shaded lane.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Itinagay ng San Miguel ang kanilang ikalawang su­nod na panalo matapos basagin ang Blackwater, 105-86, sa 2023 PBA Governors’ Cup kahapon sa Phil­sports Arena sa Pasig City.

Nagsalansan si Jericho Cruz ng 22 points para akayin ang Beermen sa 2-0 record, habang may 20 mar­kers si import Cameron Clark.

Humakot si six-time PBA MVP June Mar Fajardo ng 17 points, 16 rebounds, 4 assists at 2 steals at nagdagdag sina CJ Perez at Marcio Lassiter ng 14 at 13 markers, ayon sa pagkakasunod.

Pinamunuan ni import Shawn Glover ang Bossing (1-2) sa kanyang 16 points at 12 boards, habang may 11 markers si Joshua Torralba.

Ang dalawang free throws ni Clark ang nagbuka sa 63-33 kalamangan ng San Miguel sa huling 52 se­gundo ng second period.

Naidikit naman ito ng Blackwater sa 66-79 mula sa triple ni RK Ilagan sa 1:40 minuto ng third period.

Hindi natuwa si coach Jorge Gallent sa iniskor na 20 points ng SMB sa nasabing yugto.

“We just have to play smarter. In the first half, we were running and then it suddenly stopped,” wika ni Gallent matapos ang laro.

Sa fourth quarter ay nagpilit pa ang Bossing na ma­­kalapit, ang huli ay sa 84-98 galing sa jumper ni Gab Banal sa 2:56 minuto ng labanan.

Isang maikling 7-2 atake ang ginawa ng Beermen para ilista ang komportableng 105-86 kalamangan sa nalalabing 42 segundo ng labanan.

Sa ikalawang laro, itinakas ng NLEX (3-0) ang dra­­matikong 110-108 panalo laban sa TNT Tropang Giga (2-1) para sumosyo sa liderato.

 

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with