^

PM Sports

June Mar, Scottie bandera sa botohan sa PBA All-Star

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Abante sa karera ng PBA All-Star voting sina da­ting MVP June Mar Fajardo ng San Miguel Beer at reigning MVP Scottie Thompson ng Barangay Ginebra sa unang bahagi ng botohan para sa All-Star Weekend sa Passi City, Iloilo.

Numero uno ang six-time MVP na si Fajardo na may 37,915  votes kasunod si Thompson na may 37,759 votes.

Sina Fajardo at Thompson din ang tinanghal na Best Player of the Confe­rence sa Season 47 na Philippine Cup at Commissioner’s Cup, ayon sa pag­kakasunod.

Kung magtutuluy-tu­­loy ay sina Fajardo at Thompson ang magiging kapitan ng dalawang teams para sa pagbabalik ng All-Star Game sa Marso 9-12 sa Iloilo matapos ang tatlong taong pagkakatengga dahil sa pandemya.

Pipili sila ng kanilang mga magiging teammates sa pamamagitan ng draf­ting sa natitirang 22 pla­yers na papasok sa Top 24 pagkatapos ng botohan.

Halos kagaya ito ng for­mat ng NBA All-Star game at ang kaibahan lang ay mga fans ang pipili ng lahat ng 24 players na sasalang sa PBA All-Star.

Tanging starters lang ang puwedeng iboto ng mga fans sa NBA at coa­ches na ang pipili ng reserves bagama’t dadaan din ito sa drafting ng dalawang kapitan na sa ngayon ay sina Lebron James ng Los Angeles Lakers at Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks.

Sumunod kina Fajardo at Thompson sina Japeth Aguilar (37,322) at Jamie Malonzo (32,998) ng Ginebra kasama si Calvin Abueva (32,503) ng Magnolia para kumpletuhin ang Top 5.

Swak naman sa Top 10 sina CJ Perez (31,184) ng SMB, Christian Standhardinger (29,821) ng Ginebra at James Yap (28,117) ng Rain or Shine pati na sina Gin Kings LA Tenorio (28,027) at Stanley Pringle (27,441).

 

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with