^

PM Sports

Thompson, 3 pa nagsanay na sa Gilas

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Unti-unti ay nabubuo na ang puwersa ng 24-man Gilas Pilipinas papalapit sa kampanya nito sa huling window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers ngayong buwan sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Apat na players sa katauhan nina Scottie Thompson at Jamie Malonzo ng Barangay Ginebra kasama sina Chris Newsome at Raymond Almazan ng Meralco ang dumagdag sa ensayo ng Gilas kamakalawa ng gabi sa Meralco Gym.

Hindi nakadalo ang apat na PBA stars sa u­nang pagsasanay ng Gilas noong nakaraang linggo tampok lang muna ang kalahati ng 24-man pool para sa laban nila sa Pebrero 24 hanggang 27 kontra sa Lebanon at Jordan.

Sinamahan nila sina CJ Perez, Roger Pogoy, June Mar Fajardo, Japeth Aguilar, Arvin Tolentino at naturalized player Justin Brownlee, na siyang resident import din ng Gin Kings sa PBA.

Nauna nang lumahok noong nakaraang linggo ang mga naturang PBA players kasama si Calvin Oftana, na siya namang nakaliban sa ensayo kamakailan.

Swak din sa Gilas training ang young guns na sina Mason Amos ng Ateneo, Schonny Winston ng La Salle at Carl Tamayo ng University of the Philippines, na hindi na tatapusin ang kanyang UAAP eligibility upang maglaro sa Japan B. League.

Bagamat nakasali sa unang Gilas practice, wala muna sina Jerom Lastimosa ng Adamson, Kevin Quiambao ng La Salle at Lebron Lopez ng UP dahil sa ongoing campaign nila kasama ang Strong Group sa 32nd Dubai International Basketball Championship.

Hindi pa nakakasama sa Gilas training ang overseas players na sina Dwight Ramos, Thirdy at Kiefer Ravena, Jordan heading at Ray Parks Jr. ng Japan B. League pati na si Kai Sotto ng Australia National Basketball League (NBL).

Inaasahang magkakaroon ng FIBA break ang mga naturang liga para sa kampanya din ng kanilang national teams na magbibigay-daan sa kampanya ng Gilas pla­yers.

 

 

vuukle comment

FIBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with