^

PM Sports

Maninilat o masisilat

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Regular na kay world No. 3 pole vaulter EJ Obiena ang paglipad lagpas sa 5.82m mark, kaya’t malaki ang expectation makikipagliparan siya sa 2024 Paris Olympics.

Swak sa 5.82m si Obiena nang hugutin niya ang ginto sa Perche En Or meet sa Roubaix, France last weekend. Itong markang ito ang kailangan niyang abutin pag nagsimula na ang qualifying events para sa Paris Games.

Pero dahil nga regular na sa pagtalon sa markang iyan, mas mataas na bar ang target ng ating pambato.

Ang goal eh basagin ang 6.0m mark.

Kung umabot ang panahon na yan na ang regular niyang nililipad, malamang na podium contender siya sa Paris.

Personal best 5.94m ang kinana ni EJ nang sungkitin niya ang bronze sa 2022 World Championships sa Eugene, Oregon.

Pero kung patuloy ang kanyang pagpupun­yagi, syempre ganoon din naman ang kanyang mabibigat na kalaban.

Pwede siyang manilat, bagay na nagawa na niya kay pole vault superstar Mondo Duplantis. Pero pwede rin siyang masilat, bagay na nangyari sa kanya sa kanyang malungkot na seventh-place finish sa 2018 Jakarta Asian Games.

Kaya’t kailangan ang patuloy na pagtitiyaga upang maging consistent at maging minimal ang pagkakamali.

Sa kalagitnaan ng taong 2023 ang simula ng qualifying process para sa 2024 Paris Games.

vuukle comment

EJ OBIENA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with