^

PM Sports

Giannis hataw ng 50 PTS vs Pelicans

Pang-masa
Giannis hataw ng 50 PTS vs Pelicans
Dumakdak si Giannis Antetokounmpo ng Bucks laban sa Pelicans.

MILWAUKEE – Nagtala si Giannis Anteto­kounmpo ng 50 points at 13 rebounds para ihatid ang Bucks sa 135-110 panalo laban sa New Orleans Pelicans.

Sa first half pa lang ay nagpasiklab na si Anteto­kounmpo na gumawa ng 29 at 10 points sa kanyang 695th career regular-season at samahan si Sidney Moncrief sa second place ng Bucks all-time list sa likod ng 711 ni Junior Bridgeman (1975-84,1986-87).

Kulang lamang ng limang puntos ang Greek star sa kanyang career-high na nilista noon lang Enero 4 sa 123-113 panalo laban sa Washington Wizards.

Nagdagdag si Jrue Holiday ng 17 puntos at umiskor si Brook Lopez ng 15 para ibigay sa Bucks ang ikaapat na sunod na panalo.

Mainit ang pulso ni Antetokounmpo nang silaban niya ang Pelicans ng 20-of-26 shooting, sahog ang 3 tres mula sa kanyang 4 na tangka.

Humataw si Anteto-kounmpo ng 18 puntos sa first quarter para buhatin ang Bucks sa 37-19 lead.

Umiskor si Jose Alvardo ng 18 puntos at may tig-16 markers sina Jonas Valanciunas at Trey Murphy para sa Pelicans na naputol ang ikawalong dikit na ratsada.

Sa Memphis, nagposte si Ja Morant ng triple-double para banderahan ang Milwakuee Bucks sa 112-100 come-from-behind win laban sa Indiana Pacers.

Sinandalan ng Grizzlies ang 27 puntos, 15 assists at 10 rebounds ni Morant upang kalsuhan ang five-game losing streak at ilista ang 32-18 record.

Nasa ikalawang puwesto na ang Memphis sa team standings sa Westeren Conference.

Sa iba pang laro, pinataob ng Cleveland Cavaliers ang Los Angeles Clippers, 122-99; pinalamig ng Charlotte Hornets ang Miami Heat sa 122-117 tagumpay na tumapos sa tatlong sunod na panalo ng tropa ni Jimmy Butler.

vuukle comment

GIANNIS ANTETO­KOUNMPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with