^

PM Sports

Brown itinakas ang Celtics sa OT

Pang-masa

BOSTON — Umiskor si Jaylen Brown ng 37 puntos tampok ang panablang three-point play sa huling 4.1 segundo ng regulasyon bago humataw pa ng 11 puntos sa overtime para wakasan ng NBA -leading Celtics ang tatlong sunod na ratsada ng Los Angeles Lakers, 125-121 panalo.

Nagdagdag si Brown ng siyam na rebounds habang kumana si Jayson Tatum ng 30 puntos at 11 rebounds para sa Celtics na itinaas ang kanilang baraha sa 36-15.

Naging mahigpit ang labanan ng Celtics at La­kers na tinampukan ng 19 ulit na agawan sa trangko, anim na beses sa final canto at 15 pagtatabla.

Ibinigay ni Patrick Beverley, tumapos ng 15 puntos, ang huling kalamangan sa Lakers sa huling minuto ng final canto.  Ngunit sumablay ito sa isang foul shot at natawagan ng technical foul kay Tatum.

Naikunekta ni Tatum ang dalawang freethrow na naging daan para sa extra period.

Nagbuhos si LeBron James ng 41 puntos, siyam na rebounds at walong assists para sa Lakers.

Sa Philadelphia, tumapos si Joel Embiid ng 47 puntos para akayin ang 76ers sa 126-119 panalo laban sa Denver Nuggets.

Nagposte rin si Embiid, ng 18 rebounds para ibigay sa 76ers ang ikapitong sunod na panalo at pagandahin ang kanilang baraha sa 34-16.

Nagposte ang two-time MVP na si Nikola Jokic ng 24 puntos, walong rebounds at siyam na assists para sa Nuggets na natalo ng tatlo sa huling apat na laro.

Sa iba pang resulta, hiniya ng Utah Jazz ang Dallas Mavericks, 108-100 habang namayani ang Chicago Bulls sa OrlandoMagic, 128-109.

vuukle comment

JAYLEN BROWN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with