^

PM Sports

Blackburn nanggulat sa Condition Race

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Binulaga ng Blackburn ang bayang karerista nang manalo ito sa Condition Race kahapon sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.

Nanalong dehado ang Blackburn kaya marami agad ang nalaglag sa 1st Pick 6 matapos silatin ang magka-kuwadra at outstanding favorite na Magtotobetsky at Robin Hood.

Lumabas na pang-anim ang Blackburn na sinakyan ni jockey Rico Suson, pinanod nito ang matulin sa arangkadahan na Asiong.

Papasok ng huling kurbada ay lumalapit na ang Blackburn sa unahan at sa may tabing balya ito dumaan.

Pagsapit ng huling 100 metro ng laban sa rektahan ay biglang umagaw ng unahan ang Blackburn at tinawid nito ang meta ng may isang kabayo ang agwat sa pumangalawang Runawayfromrosenot.

Nirehistro ni Blackburn ang 1:25.2 tiyempo sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si BC Coching ang P10,000 added prize sa event na suportado ng Philipine Racing Commission, (PHILRACOM).

vuukle comment

METRO TURF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with