Butler, Heat sinilaban ang Magic
MIAMI — Humataw si Jimmy Butler ng 29 points habang may 20 markers si Bam Adebayo at nakahabol ang Heat sa fourth quarter para talunin ang Orlando Magic, 110-105.
Nag-ambag si Max Strus ng 17 points tampok ang limang three-pointers para sa Miami (28-22).
Umiskor sina Paolo Banchero, Franz Wagner at Cole Anthony ng tig-19 points sa panig ng Orlando (19-30).
Ang triple ni Struss sa huling 3:01 minuto ng third quarter ang nagbigay sa Heat ng 73-69 abante hanggang maagaw ng Magic ang 81-73 kalamangan mula sa dunk ni Moritz Wagner sa pagbubukas ng fourth period.
Nakabawi naman ang Miami at muling inagaw ang 92-87 abante para selyuhan ang panalo sa Orlando.
Sa Minneapolis, iniskor ni Anthony Edwards ang 13 sa kanyang 25 points sa third quarter sa 111-100 pagsakmal ng Minnesota Timberwolves (26-25) sa Memphis Grizzlies (31-18).
Sa Indianapolis, nagposte si Giannis Antetokounmpo ng 41 points, 12 rebounds at 6 assists sa 141-131 dominasyon ng Milwaukee Bucks (32-17) sa Indiana Pacers (24-27).
- Latest