Cruz-Behag balik sa Cargo Movers
MANILA, Philippines — Excited na ang lahat sa pagbabalik-aksyon ng tinaguriang Miss Everyting ng Philippine volleyball na si Cha Cruz-Behag.
Muling masisilayan si Cruz-Behag suot ang jersey ng F2 Logistics Cargo Movers sa Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference na papalo sa Pebrero 4 sa Smart Araneta Coliseum.
Inihayag ng Cargo Movers ang pagbabalik ni Cruz-Behag sa kanilang social media accounts.
“An athlete who is working hard to regain her MVP Form. A disciplined fighter and a veteran leader,” ayon sa post ng Cargo Movers.
Masayang binuksan ng Cargo Movers ang pintuan nito kay Cruz-Behag na bahagi ng kanilang tropa na nagkampeon sa mga nakalipas na taon.
“Let’s all welcome, Ms. Everything, Cha Chuz-Behag back in our team called family. Let’s all give her the support and love for her comeback,” ayons sa Cargo Movers.
Nagpasya si Cruz-Behag na pansamantalang tumigil sa paglalaro upang bigyang-daan ang kanyang pagbubuntis.
Nanganak ito noong Oktubre 2019.
Naging abala ito sa pag-aalaga kay Leon Sol — ang kanyang unang anak — dahilan upang hindi na ito makapaglaro.
Subalit matapos ang tatlong taon, muling hahawakan ni Cruz-Behag ang bola para tulungan ang Cargo Movers sa kampanya nito sa All-Filipino Conference.
Makakasama ni Cruz-Behag sina Aby Maraño, Ivy Lacsina, Ara Galang, Kim Fajardo, Majoy Baron, Kim Kianna Dy at ang bagong recruit na si Myla Pablo.
- Latest