^

PM Sports

Davis bumida sa panalo ng Lakers

Pang-masa

LOS ANGELES — Solido ang pagbabalik ni Anthony Davis sa aksyon matapos tumipa ng 21 points at 12 rebounds, habang nag-ambag ang bagong hugot na si Rui Hachimura ng 12 markers sa kanyang Lakers debut para talunin ang San Antonio Spurs, 113-104.

Magkasabay na pumasok sina Davis, nanggaling sa right foot injury, at Hachimura sa huling 4:22 minuto ng first quarter.

Hindi nakita sa Davis sa 20 laro ng Lakers (23-26), habang nahugot naman si Hachimura mula sa Wa­shington Wizards sa pamamagitan ng trade.

Tumapos si LeBron James na may 20 points, season-high na 11 assists at 9 rebounds.

Pinamunuan ni Keldon Johnson ang Spurs (14-34) sa kanyang hinakot na 25 points.

Matapos kunin ng San Antonio ang 85-81 abante ay isang 22-6 atake ang ginawa ng Los Angeles sa pagsisimula ng fourth quarter para kontrolin ang laro.

Sa San Francisco, isinalpak ni Jordan Poole ang kanyang winning layup sa 122-120 pagtakas ng nag­dedepensang Golden State Warriors (24-24) sa Memphis Grizzlies (31-17).

Sa Portland, nagpasabog si Damian Lillard ng season-high na 60 points sa 134-124 panalo ng Trail Blazers (23-25) sa Utah Jazz (25-26).

Sa Milwaukee, huma­kot si Giannis Anteto­kounmpo ng 33 points at 14 rebounds sa 107-99 pag­suwag ng Bucks (31-17) sa Denver Nuggets (34-15).

Sa Oklahoma City, tumipa si Trae Young ng 33 points at 11 assists sa 137-132 pagdagit ng Atlanta Hawks (25-24) sa Thunder (23-25).

Sa Philadelphia, umiskor si Tyrese Maxey ng 27 points sa 137-133 pagdaig ng 76ers (31-16) sa Brooklyn Nets (29-18).

Sa Houston, humataw si Kyle Kuzma ng 33 points sa 108-103 pagsapaw ng Washington Wi­zards (22-26) sa Rockets (11-37).

vuukle comment

ANTHONY DAVIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with