^

PM Sports

Advantage ng host country sa SEA Games

BALL FACTOR - Carmela Villena - Pang-masa

Natural lamang na magkaroon ng advantage ang host country ng Southeast Asian Games.

Isa na diyan siyempre ang homecourt advantage.

Natural, puwedeng-puwedeng imanipula ang mga bagay-bagay pabor sa kanila.

Madalas ang dagdag/bawas sa calendar of events kung saan malakas o mahina ang host country.

Iyong kung anu-anong sport event ang nakalista na hindi pa natin naririnig at natural hindi natin alam kung paano laruin.

Pero ang malala ngayon, iyong lilimitahan sa dalawang gold medal ang puwedeng mapanalunan ng isang atleta.

Ang lala ‘diba. Wala pa “yung kompetisyon eh, natalo na sa laban.

Tinanggalan nila ng tsansang manalo si gymnast Carlos Yulo (nakalimang gold noong 2022 Vietnam SEA Games) ng gold sa lahat ng kanyang pitong events. Pero sasalihan pa rin niya lahat.

“Yung SEA Games ngayon na first time iho-host ng Cambodia ay may martial art Korea (parang taek-wondo), vovinam at Kun Bokator, (mga uri ng martial arts) at Ouk Chatrang (parang chess). 49 sports ang iho-host ng Cambodia pero balak nilang isiksik ang 632 events, pinakamalaki sa history ng SEAG.

Nang mag-overall champion ang Team Phi­lippines noong 2019, pinakamarami ang  56 sports na idinaos natin pero may 530 events lang, ang Vietnam ay may 40-sport,526-event Games noong May 2022.

Kailan kaya matutuldukan ang ganitong kalakaran?

vuukle comment

SEA GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with