^

PM Sports

Exciting ang 2023

BALL FACTOR - Carmela Villena - Pang-masa

Kumusta naman ang New Year ninyo?

Ewan ko lang ha, pero feeling ko magiging exciting ang taong 2023 para sa sports.

Naniniwala ako na magiging makulay ang Philippine sports ngayong taong ito.

Bakit ko nasabi ito?

Hindi sa ayaw kong maging nega, pero kasi kahit hindi pa tayo talaga bumabalik sa normal at nananatili pa rin ang banta ng COVID-19, nagningning ang mga Pinoy athletes sa iba’t ibang sports disciplines na nagbigay sa atin ng pasilip sa taong ito.

Sa taong ito, gaganapin ang South East Asian Games sa Cambodia ngayong  Mayo at ang na-postpone noong nakaraang taon na Asian Games sa China sa September.

Gaganapin din ang FIBA World Cup kung saan isa sa host ang Pinas.

Huwag tayong masyadong mag-expect sa ating Gilas Pilipinas pero I’m sure exciting ito.

Excited ako dahil may maaasahan tayo, unang una sa bagong world champion at Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz-Naranjo, kina pole vaulter EJ Obiena at gymnast Carlos Yulo na nakapagbigay din ng karangalan sa Pinas noong nakaraang taon.

Naririyan din ang US Open junior women champion na si Alex Eala, si karateka Junna Tsukii na nanalo ng gold sa World Games, ang Phi­lippine Women’s football team na nag-qualify sa 2023 FIFA Women’s World Cup at iba pa.

So ready na ba kayo para sa taong 2023?

vuukle comment

NEW YEAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with