^

PM Sports

Hotshots, Dragons diretso sa semis

Russell Cadayona - Pang-masa
Hotshots, Dragons diretso sa semis
Binutata ni Jackson Corpuz ng Magnolia si Kaleb Wesson ng Phoenix.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Kumawala ang No. 2 Magnolia sa huling li­­­mang minuto ng laro pa­­ra sibakin ang No. 7 Phoenix, 102-95, sa quarterfinals ng 2022 PBA Com­­mis­sioner’s Cup ka­ha­pon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Humataw si Calvin Abueva ng 19 points at nag­tala si import Nick Rakocevic ng 18 markers at 13 rebounds para sa pag-usad ng Hotshots sa semifinals.

Tumipa si Tyler Tio ng 18 points para sa Fuel Masters na may ‘twice-to-beat’ disadvantage sa quarterfinals.

Matapos makatabla ang Phoenix sa 86-86 ay humataw ang Magnolia para kunin ang 98-90 abante sa huling 1:38 mi­nuto ng fourth period.

Lalabanan ng Hotshots sa best-of-five se­mis series ang magwawagi sa pagitan ng Ginebra Gin Kings at NorthPort Batang Pier.

Sa unang laro, humataw si Hayden Blankley ng career-high na 47 points, habang may 32 mar­kers si import Andrew Nicholson sa 126-96 pagpapatalsik ng No. 1 Bay Area sa No. 8 Rain or Shine.

“I’m just so excited that we’re in the top four of the PBA in our first year,” ani mentor Brian Goorjian sa Dragons na may ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinals.

Haharapin ng Bay Area sa semis ang mana­nalo sa bakbakan ng San Miguel at Con­verge.

 

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with