^

PM Sports

Tres ni Murray nagtakas sa Nuggets kontra sa Blazers

Pang-masa
Tres ni Murray nagtakas sa Nuggets kontra sa Blazers
Ang triple ni Jamal Murray na nagpanalo sa Nuggets laban sa Blazers.

PORTLAND, Ore. — Isinalpak ni Jamal Murray ang pamatay na three-pointer sa huling 0.9 segundo para tulu­ngan ang Denver Nuggets na maitakas ang 121-120 panalo sa Trail Blazers.

Tumapos si Murray na may 21 points sa isang hindi makakalimutang performance matapos hindi makalaro sa nakaraang season dahil sa knee surgery.

“It was a play for (Ni­kola Jokic) to get space and let him work,” ani Murray. “He fumbled it a little and he told me to come get it. I turned and looked at the clock, saw that I didn’t have to rush and I just went into my move.”

Humakot si Jokic ng 33 points, 10 rebounds at 9 assiss para sa tapusin ng Denver ang three-game lo­sing skid at itala ang 15-10 record.

Kumamada si Damian Lillard ng 40 points sa pa­­nig ng Portland (13-12) kasama ang triple na nagbigay sa kanila ng one-point lead sa huling 8.8 segundo ng laro.

Sinagot naman ito ni Murray para basagin ang 20 lead changes.

Sa San Antonio, umiskor si Keldon Johnson ng 32 points at tinapos ng Spurs (7-18) ang kanilang 11-game losing slump sa 118-109 pagdaig sa Houston Rockets (7-18).

Nagdagdag si Tre Jones ng career-high na 26 points para sa San An­­tonio at may tig-12 mar­kers sina reserves Doug McDermott at Josh Richardson.

Pinamunuan ni rookie Jabari Smith Jr. ang Houston sa kanyang 23 points at nagposte si Alperen Se­ngun ng 16 points at 11 rebounds.

Sa Miami, kumolekta si center Bam Adebayo ng 31 points at 10 rebounds, habang may 26 mar­kers si Jimmy Butler para akayin ang Heat (12-14) sa 115-110 panalo sa Los Angeles Clippers (14-13).

JAMAL MURRAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with