COPA may pa-exhibition sa final tourney
MANILA, Philippines — Itatampok ng 1st Congress of Philippine Aquatics, Inc-Samahang Manlalangoy sa Pilipinas Christmas Friendship Swimfest ang mga exhibition matches sa water polo, fin swimming at mystery relays.
Ito ay mapapanood ngayong araw sa Teofilo Yldefonso Swim Pool sa Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila.
Maglalaro ang mga miyembro ng national training pool sa water polo at fin swimming sa isang friendly game sa final tournament ng COPA sa pamumuno ni Olympian at Batangas 1st District Rep. Eric Buhain.
Sinabi ni SMP president at COPA Board member Chito Rivera na ang event ay naging posible sa pamamagitan ng pagtatambalan ng dalawang swimming groups.
Si Buhain ang may ideya na isama ang water polo at fin swimming sa programa para muling ipakilala ang dalawang aquatics sports sa bagong henerasyon.
- Latest