Gomezian, Basheirrou sa Calixto Cup
MANILA, Philippines — Tiyak na bakbakang umaatikabo na naman ang masisilayaan ng mga karerista sa paghaharap muli ng mga batikang kabayong Gomezian at Basheirrou.
Nakatakdang magkita sa pista ang Gomezian at Basheirrou sa 9th Pasay Rep. Tony Calixto Cup na pakakawalan bukas sa Metro Turf, Malvar-Tanauan City sa Batangas.
Nakalaan ang garantisadong premyong P500,000, ang ibang makakatagisan ng bilis ng Gomezian at Basheirrou ay ang Don Julio, Cupid Song at Eazacky.
May distansyang 1,600 meter race, hahamigin ng mananalong kabayo ang P300,000 premyo sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).
Samantala, may nakalaan ring P500,000 sa 9th Pasay Mayor Emi Calixto-Rubiano Cup kung saan ang mga kalahok ay ang Marilag, Downinsideprotection, Bombay Nights, Raintree Starlet, Palibhasa Lalake, Speed Fantasy, American Factor at Sudden Impact.
Posibleng magbigay ng magandang laban ang Palibhasa Lalake sa 1,600 meter race.
- Latest