^

PM Sports

Diaz hataw ng 3 ginto sa world meet

Chris Co - Pang-masa
Diaz hataw ng 3 ginto sa world meet
Si Hidilyn Diaz matapos ang panalo.

MANILA, Philippines — Muling gumawa ng ingay si Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz matapos makasungkit ng tatlong gintong medalya sa Women’s -55 kgs. ng 2022 World Weightlif­ting Championships na ginaganap sa Gran Carpa Americas Conferias sa Bogota, Colombia.

Naibulsa ni Diaz ang ginto sa snatch kung saan nagtala ito ng 93 kgs.

Sinundan ito ni Diaz ng 114 kgs. sa clean and jerk para masiguro ang ikalawang ginto.

Nakumpleto ni Diaz ang sweep bunsod ng ginto nito sa total matapos magrehistro ng kabuuang 207 kgs.

Pinataob ni Diaz ang 20 kalahok sa naturang event kabilang na sina hometown bet Rosalba Morales, Shoely Mego ng Peru at Ana Gabriela Lopez ng Mexico.

Ito ang unang gintong medalya ni Diaz sa world championships para makumpleto ang kanyang koleksiyon ng medalya.

May ginto na si Diaz sa SEA Games, Asian Games at Olympic Games.

Pinuri ni Philippine Sports Commission Chairman Jose Emmanuel “Noli” Eala ang tagumpay ni Diaz.

“Hidilyn has proven once again that the fire in her heart to be second to none in her field conti­nues to burn and remains the benchmark by which every weightlifter and Filipino athlete must measure themselves against,” ani Eala.

Ipinagmalaki nito si Diaz na isang magandang ehemplo para sa mga kapwa atleta nito at sa mga kabataang nais maabot ang kanyang tagumpay.

Magtatangka pang humirit ng gintong medalya ang iba pang miyembro ng delegasyon kabilang na sina Elreen Ando, Asian champion Vanessa Sarno, Kristel Macrohon at Dave Lloyd Pacaldo.

HIDILYN DIAZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with