Suns pinalamig ng Celtics
PHOENIX — Humataw sina Jayson Tatum at Jaylen Brown ng tig-25 points at nag-ambag si Malcolm Brogdon ng 16 markers para pamunuan ang Boston Celtics sa 125-98 dominasyon sa Suns.
Ito ang pang-walong panalo ng Boston sa siyam na laro para sa kanilang NBA-best record na 21-5.
Mula sa 31-21 abante sa first quarter ay humarurot ang Celtics sa second period patungo sa pagposte ng 69-42 halftime lead at lalo pang ibinaon ang Suns sa 45-point deficit.
Sa Salt Lake City, isang dunk ang ginawa ni Simone Fontecchio sa huling 1.4 segundo para igiya ang Utah Jazz (15-12) sa 124-123 pagtakas sa nagdedepensang Golden State Warriors (13-13).
Sa New Orleans, humakot si Zion Williamson ng 29 points at 10 rebounds sa 104-98 panalo ng Pelicans (16-8) sa Detroit Pistons (7-20).
Sa Minneapolis, humugot si D’Angelo Russell ng 15 sa kanyang 28 points sa fourth quarter para sa 121-115 pagdaig ng Minnesota Timberwolves (12-12) sa Indiana Pacers (13-12).
Sa New York, kumamada si Kyrie Irving ng 33 points at may 29 markers si Kevin Durant sa 122-116 panalo ng Brooklyn Nets (14-12) sa Charlotte Hornets (7-18).
- Latest