^

PM Sports

Lastimosa handang lumaro sa Gilas Pilipinas

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Handa si Jerom Lastimosa na lumaban para sa bayan kung mabibigyan ng pagkakataong maimbitahan sa training pool ng Gilas Pilipinas para sa susunod nitong kampanya sa 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Para kay Lastimosa, gagawin niya lahat upang maging available sa Gilas duty sa Pebrero kung kailan sasalang ang koponan sa ikaanim at huling window ng Qualifiers na gaganapin sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

“Yes of course. Kapag kinuha nila ako, siyempre, i-grab ko ang opportunity na yun. Hindi ko haha­yaan na mawala ‘yun. Para ‘yun sa bayan natin,” ani Lastimosa.

Lumakas ang pa­nawagan kay Lastimosa na makunsidera sa trai-ning pool ng Gilas matapos buhatin ang Adamson sa Final Four ng UAAP Season 85.

Nag-rehistro siya ng 14.8 points, 4.3 rebounds at 3.9 assists kabilang na ang heroic 22-point game performance sa 80-76 pa­nalo para makabalik ang Soaring Falcons sa semis sa unang beses simula 2018.

Nauna nang ipinahayag ni La Salle guard Schonny Winston ang parehong pangarap na makapaglaro sa Gilas kung mabibigyan ng pagkakataon matapos makunsidera ng FIBA bilang local player. 

GILAS PILIPINAS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with