^

PM Sports

Bay Area target ang semis spot

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Walang plano ang No. 1 Bay Area na pahabain ang kanilang quarterfinal duel ng No. 8 Rain or Shine para umabante sa semifinals.

Muling ipaparada ng Dragons si dating NBA player Andrew Nicholson sa pagsagupa sa Elasto Painters ngayong alas-3 ng hapon sa 2022 PBA Commissioner’s Cup sa Philsports Arena sa Pasig City.

Pinili ng Bay Area na paglaruin ang 6-foot-10 na si Nicholson kumpara sa 6’2 na si Myles Powell na tumulong sa kanilang magposte ng 10-2 record para maging top seed sa eliminasyon.

Kumamada si N­i-cholson ng mga averages na 38.5 points at 11.5 rebounds sa kanyang apat na laro para sa Dragons.

Bitbit ng tropa ni Australian coach Brian Goorjian ang ‘twice-to-beat’ advantage laban sa Rain or Shine ni mentor Yeng Guiao.

“Advantage sila sa lahat. Advantage sila sa import, advantage sa height,” wika ni Guiao sa guest team. “Iyong samahan nila wala silang ginawa kundi matulog, nasa hotel, so sama-sama sila talaga doon.”

Pinadapa ng Dragons ang Elasto Painters, 120-87, sa eliminasyon noong Nobyembre 11.

Sumasakay ang Bay Area sa four-game winning streak papasok sa quarterfinals  habang umiskor ang Rain or Shine ng 110-100 panalo sa NLEX sa kanilang sudden-death para sa No. 8 spot sa quarters.

Sa ikalawang laro sa alas-5:45 ng hapon ay magtutuos ang No. 2 Magnolia at No. 7 Phoenix.

May ‘twice-to-beat’ advantage rin ang Hotshots kontra sa Fuel Masters.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with