^

PM Sports

Poseidon kampeon sa Biazon Swim Cup

Pang-masa
Poseidon kampeon sa Biazon Swim Cup
Ipinagkaloob ni SLP president Fred Ancheta ang sertipiko kay Sharpeedo Swim Team’s “ Mighty Swimmer” Pia Severina Magat na tinanghal na MOS sa 5-yrs old division.
STAR/File

MANILA, Philippines — Inangkin ng Poseidon Swimming Team ang overall team crown sa katatapos na 1st Ruffy Biazon Swim Cup sa Olympic-sized indoor Muntinlupa Aquatic Center sa Brgy. Tunasan, Muntinlupa City.

Nagtala ang Poseidon ng 320 points mula sa pinagsamang kampanya sa Class A hanggang D laban sa mga karibal na Eastern Aquatics Swimming Team at Dax Swim Squad.

Pasok sa Top 7 ang Sharpeedo Swim Team, Pasig Rave Barracudas Swim Team, De La Salle University-Dasmariñas at Bosay Resort Aquatic Club.

Pinamunuan ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon kasama sina Swim League Philippines (SLP) president Fred Ancheta at Executive Director Philbert Papa ang pagbibigay ng mga medalya, sertipiko at tropeo sa mga nagwaging swimmers at participants sa torneo na isinagawa kasabay sa inagurasyon ng modernong Aquatics Center at pagdiriwang sa ika-105 taong pagkakatatag ng Muntinlupa City.

“Masayang-masaya kami at nakapag-host ang Muntinlupa City ng isang organisadong torneo sa tulong ng isang organisadong asosasyon ang SLP. Umaasa kami na masisimulan nito ang matagal nang hangarin ng Pamahalaang Panglungsod na maisulong ang katatagan sa kabuhayan at maging sentro ng sports ang Muntinlupa,” ani Biazon.

Hinikayat din ni Biazon ang iba pang sports groups na makipagtambal at makipagtulungan sa Muntinlupa para maisulong ang isang matatag na programa sa sports at makatulong sa paglinang ng mga talento na magagamit ng bansa sa mga international competitions.

Hinikayat ni Biazon ang mga kabataan na hindi nakasali sa torneo na lumahok sa isasagawang Holiday Swim sa Sabado.

“Umabot tayo sa mahigit 1,000 swimmers sa Swim Cup. Pasensya na po pero iyong mga hindi mga nakasali welcome po kayo sa Sabado sa aming Holiday Swim,” wika ni Ancheta na inihahanda na ang memorandum of agreement (MOA) para maging opisyal na tahanan ng SLP swimmers ang MAC.

Tinanghal na Most Outstanding Swimmers sa kani-kanilang age category sa boys’ division sina Kyle Bagusto, Marcus Johannes De Kam, Amber Araño, Wyatt Santos, John Patrick Leo Hondrade, Julian Louwers De Kam,

Kristoff David, Emerson Matienzo, Joaquin Sto. Domingo, Chris Jimuel Mallari.

Sa girls division ay sina Riannah Chantelle Coleman, Clara Yzabela Delos Santos, Ucary Phearl Sevilla, Shinloah Yve San Diego, Alyssa Cabatian, Daniella Anne Gregorio, Michaela Trinidad, Rafee Balbuena, Darcy Aliyah Tongos at Renee Margaret Diaz.

SWIMMING

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with