^

PM Sports

Nangangamoy sweep sa SMB

Russell Cadayona - Pang-masa
Nangangamoy sweep sa SMB
Bigo si Jeron Teng ng Converge na masupalpal ang layup ni CJ Perez ng SMB.
PBA Image

MANILA, Philippines — Nakabalik sa porma ang No. 5 San Miguel matapos makabangon ang No. 4 Converge mula sa 26-point deficit sa fourth period para kunin ang 114-96 panalo sa Game One ng 2022 PBA Commissioner’s Cup quarterfinal series kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Umiskor si CJ Perez ng 25 points para sa 1-0 abante ng Beermen sa kanilang best-of-three duel ng FiberXers na nalasap ang ikatlong sunod na kamalasan matapos magposte ng seven-game winning streak.

Nagtala si import De­von Scott ng 23 markers, 12 rebounds, 5 assists at 3 steals habang humakot si six-time PBA MVP June Mar Fajardo ng 19 points at 16 boards para sa SMB.

“Everybody’s contri­buting, everybody’s doing their job. It’s nice to have a healthy team,” ani assistant coach Jorge Gallent na nakahugot din kina Terrence Romeo at Marcio Lassiter ng 13 at 11 markers, ayon sa pagkakasunod.

Kumabig naman si import Quincy Miller ng 41 points kasama ang masamang 4-of-14 shooting sa three-point line sa panig ng Converge.

Sa ikalawang laro, kumolekta si import Justin Brownlee ng 39 points, 8 rebounds, 7 assists at 4 blocks para akayin ang No. 3 Barangay Ginebra sa 118-102 demolisyon sa No. 6 NorthPort.

May 16 markers si Stanley Pringle at nag-ambag sina Jamie Ma­lonzo, LA Tenorio at Scottie Thompson ng 13, 12 at 11 points, ayon sa pagkakasunod, para sa 1-0 lead ng Gin Kings sa duwelo nila ng Batang Pier.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with