^

PM Sports

Back-to-Back Titles kinana ng Petro Gazz

Chris Co - Pang-masa
Back-to-Back Titles kinana ng Petro Gazz

MANILA, Philippines — Walang sinayang na sandali ang Petro Gazz nang igupo nito ang Cignal HD, 25-17, 25-22, 12-25, 25-22, sa Game 2 para makumpleto ang back-to-back titles sa Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference sa PhilSports Arena kahapon sa Pasig City.

Umariba ng husto si American import Lindsey Vander Weide na pumalo ng 19 puntos habang nakatuwang nito si middle blocker Remy Palma na humataw ng 18 markers tampok ang limang blocks.

Nagpasiklab din si outside hitter Myla Pablo ng 17 hits samantalang may 12 points naman si MJ Phillips para sa Gazz Angels.

Na-sweep ng Gazz Angels ang best-of-three championship series, 2-0.

Nakauna ang Gazz Angels sa serye matapos kubrahin ang dikdikang  25-21, 27-25, 37-35 panalo sa Game 1 noong Huwebes.

Sa unang laro, naipormalisa ng Creamline ang pagkopo sa bronze medal matapos pigilan ang Chery Tiggo, 25-15, 25-19, 23-25, 25-21, sa Game 2 ng best-of-three, battle-for-bronze match.

Isang all-Filipino lineup ang inilatag ng Cool Smashers dahil hindi nag­laro si import Yeliz Basa.

Ngunit hindi ito naging problema para sa Creamline matapos magtala ng double figures ang limang players nito.

Inilabas ni two-time MVP  Tots Carlos ang matikas na porma nito matapos kumana ng 19 puntos mula sa 17 attacks at dalawang aces para pamunuan ang Cool Smashers.

“Masaya kami na nakuha namin yung bronze and finally off season na. Ginawa naman namin yung trabaho namin. We’ve been working hard for the whole year,” ani Carlos.

Solido rin ang suporta ni outside hitter Jema Galanza na bumanat ng 16 markers at 12 digs habang gumawa naman si middle blocker Jeanette Panaga ng 14 hits.

Nakalikom pa si Ced Domingo ng 12 puntos samantalang may 10 mar­kers si team captain Alyssa Valdez.

Magandang konsolasyon ito para sa Cool Smashers na nabigong makumpleto ang Grand Slam matapos pagreynahan ang Open Conference at Invitational Conference.

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with