^

PM Sports

CSB bumubuo na ng game plan

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihahanda na ng College of Saint Benilde ang malakas na puwersa para makaresbak sa Game 2 laban sa reigning champion Colegio de San Juan de Letran sa NCAA Season 98 men’s basketball tournament finals.

Umaasa si Blazers head coach Charles Tiu na maraming natutunan ang kanyang bataan sa series opener na magiging magandang karanasan nito bago sumabak sa krusyal na Game 2 sa Linggo sa Big Dome.

“(I’m) hoping next game maybe they calm down a bit more. They (Letran) are a championship team for a reason. So I don’t know why everybody, even Coach Bonnie even said kami ang favored. No way kami ang favored,” ani Tiu.

Alam ni Tiu na na­ngi­babaw ang championship experience ng Knights na kitang-kita sa Game 1 noong Linggo sa Smart Araneta Coliseum.

Nagwagi ang Letran sa iskor na 81-75 para makuha ang 1-0 bentahe sa best-of-three championship series.

“You can see they (Letran) are so ready for this moment, while my guys are kind of panicking and getting a bit out of focused, and in the big moments it is something that you can’t teach and they have to experience,” ani Tiu.

Ilan sa mga ipinunto ni Tiu ang free throws kung saan nagtala ang Blazers ng 4-of-11 kumpara sa 16-of-26 ng Knights.

“I think they got the free throw a bit too much. They had 26, we only had 11, and they’re more physical than us. And we couldn’t make our free throws either, so that didn’t help. Free throw namin di makashoot, sila they had dalawang lucky bounce pa sa free throw, tumama pa sa taas ng board,” ani Tiu.

Ngunit tapos na ang Game 1.

Kaya naman naka­sen­tro na ang lahat ng a­tensiyon sa importanteng laban nito sa Game 2 na inaasahang mas magiging pisikal  lalo pa’t malaki ang nakataya sa laban.  

NCAA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with