^

PM Sports

Celtics pinigil ang Nets

Pang-masa

NEW YORK — Kahit na maagang nagbuhos ng mga puntos si Jaylen Brown, alam ng Boston Celtics na kaila­ngan nilang bumaling sa kanilang depensa.

At nagbunga ito nang pigilan ng Celtics ang Brooklyn Nets sa 103-92 panalo.

Bida sa naturang panalo sina Jaylen Brown at Jayson Tatum na nagposte ng double-doubles performance na pumutol sa apat na sunod na ratsada ng Nets.

Tumapos si Brown na may 34 puntos at 10 rebounds habang nag-ambag si Tatum ng 29 puntos at 11 rebounds.

 Umiskor si Kevin Durant ng 31 puntos para sa Nets, ngunit gumawa ito ng walong turnovers.

Sa Washington, humataw si Anthony Davis ng 55 puntos para buhatin ang Lakers sa 130-119 paglusot laban Wizards.

Ang 55 puntos na performance ni Davis, tumapos ng 44 sa huling laro kontra sa Milwaukee ang naglapit sa kanyang career-high 59 puntos na iniskor nito laban sa Detroit noong 2016.

Nag-ambag si LeBron James ng 29 puntos para sa Lakers na nasa kanilang ikaapat na sunod na panalo sa road games matapos ang 2-10 simula.

Sa iba pang resulta, tinalo ng Phoenix Suns ang San Antonio Spurs, 133-95 at giniba ng Memphis Grizzlies ang Detroit Pistons, 122-112.

BOSTON CELTICS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with