^

PM Sports

Titulo amoy na ng Letran

Chris Co - Pang-masa
Titulo amoy na ng Letran
Pinanood na lang nina Will Gosum at Rob Nayde ng CSB ang pag-layup ni Kurt Reyson ng Letran.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Matikas na pinatumba ng Colegio de San Juan de Letran ang College of Saint Benilde sa pamamagitan ng 81-75 pananaig sa Game 1 upang makadikit sa three-peat ng NCAA Season 98 men’s basketball kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Umarangkada ng husto si Louie Sangalang na nagrehistro ng double-double na 24 points, 10 rebounds, dalawang assists, isang steal at isang block para tulungan ang Knights na makuha ang 1-0 bentahe sa best-of-three championship series.

“Again, yung composure ng mga veterans, yun yung ginamit namin which is yung experience. Ang sa akin lang, sinabi lang namin na we will not win if we will outscore lang yung Benilde. We have to focus and correct our defensive rules,” ani Letran head coach Bonnie Tan.

Nakatuwang ni Sangalan si King Caralipio na naglagak ng 16 markers, dalawang assists at isang steal habang nagdagdag naman ng 13 puntos, apat na boards, tatlong assists at isang block si Kurt Reyson.

Nasayang ang pinagsikapang 18 puntos at 11 boards ni MVP candidate Will Gozum para sa Blazers gayundin ang 18 markers, dalawang boards at isang assist ni Miguel Corteza.

Hindi rin napakinaba-ngan ang pinagsamang 19 markers nina Mark Sangco at Rob Nayve.

Dikdikan ang laban kung saan parehong may 38 rebounds ang Letran at Benilde.

Tabla rin ang dalawang tropa sa steals (6-6) habang nakaungos lang ng isa ang Blazers sa blocks (3-2).

Lamang ang Benilde sa assists subalit nakagawa ito ng 18 turnovers kum­para sa 14 ng Letran.

Susubukan ng Knights na maipormalisa ang pagkopo sa ikatlong sunod na korona sa paglarga ng Game 2 sa Linggo sa parehong venue.

Ngunit daraan muna sa matinding pagsubok ang Knights dahil inaasahang ilalabas na ng Blazers ang buong puwersa nito sa Game 2 para makahirit ng rubber match sa serye. 

 

NCAA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with