^

PM Sports

FINA, hindi na kinikilala si Velasco, PSI board

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na kikilalanin pa ng FINA (Federation Internationale de Natation) — ang international federation ng swimming — ang lahat ng miyembro ng Philippine Swimming Incorporated (PSI) board sa pangunguna ng presidente nitong si Lani Velasco.

Ipinaalam ng FINA ang desisyon sa pamamagitan ng isang sulat na nilagdaan ni FINA executive director Brent Nowicki na ipinadala sa PSI, Philippine Olympic Committee (POC) at Philippine Sports Commission (PSC) noong Disyembre 3.

“Conduct the proper and necessary amendments of the (PSI) Constitution and organize and conduct a new election,” ayon sa statement ng FINA.

Bumuo ang FINA ng stabilization committee para patakbuhin ang day-to-day operations ng PSI.

Inutusan din nito ang grupo na baguhin ang kons­titusyon ng ilang bahagi ng PSI at magsagawa ng bagong eleksiyon.

“The FINA Bureau discussed various complaints received by the FINA Office concerning matters of inter alia poor governance principles within your National Federation,” ayon sa FINA memo.

Pinangalanan ng FINA si POC legal head Atty. Wharton Chan, deputy secretary general Valeriano “Bones” Floro, Bases Conversion Development Authority senior vice pre­sident Arrey Perez bilang miyembro ng stabilization committee.

Nagsimula ang lahat sa ilang reklamong natanggap ng FINA kabilang na ang isinumiteng sulat ng isang magulang ng SEA Games gold medalist noong Hanoi SEA Games.  

SWIMMING

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with