DLSU-Adamson duel para sa No. 4 spot
MANILA, Philippines — Magtutuos ang De La Salle University at Adamson Uiversity sa huling pagkakataon para sa No. 4 berth ng Final Four ng UAAP Season 85 men’s basketball tournament.
Nakatakda ang banggaan ng Green Archers at Soaring Falcons ngayong alas-6 ng gabi sa MOA Arena sa Pasay City.
Ang magwawagi sa duwelo ang sasagupa sa No. 1 Ateneo Blue Eagles sa Final Four, habang maglalaban naman ang No. 2 at nagdedepensang University of the Philippines Fighting Maroons at No. 3 National University Bulldogs.
Nagtapos ang La Salle at Adamson sa parehong 5-7 record sa eliminasyon.
- Latest