^

PM Sports

1-0 lead paglalabanan ng Letran, St. Benilde sa NCAA Finals

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Asahan ang matinding bakbakan sa pagitan ng nagde­depensang Colegio de San Juan de Letran at College of St. Benilde sa Game One ng NCAA Season 98 men’s basketball tournament best-of-three championship series sa Smart Araneta Coliseum.

Magtutuos ang Knights at Blazers ngayong alas-3 ng hapon kung saan mag-uunahan ang dalawang tropa na makuha ang malaking 1-0 bentahe sa serye upang makalapit sa inaasam na kampeonato.

Nakatutok ang Letran sa ‘three-peat’ kung saan malaki ang bentahe ng kanilang koponan dahil tatlong sunod na taon na silang nasa finals.

Subalit iba ang pananaw ni Letran head coach Bonnie Tan dahil naniniwala siyang ‘underdogs’ sila sa serye laban sa Benilde na No. 1 sa eliminasyon.

“Iyong mindset namin nasa dehado side kami. Basta ka­mi, kung ano iyong binigay sa amin eh, iyon lang. We’re happy at least nakatungtong ulit kami sa Finals,” ani Tan.

Umusad sa finals ang Letran matapos igupo ang Lyceum of the Philippines University sa semifinals, 67-58.

Nanguna sa naturang panalo sina Brent Paraiso, King Caralipio at Fran Yu na mga players na siya ring muling sasandalan ng Knights sa finals.

Sa kabilang banda, ito ang unang finals appearance ng Blazers sa loob ng mahigit dalawang dekada.

At desidido ang Benilde na ibuhos ang lahat para masi­gurong maiuuwi nila ang korona.

Nasikwat ng Blazers ang tiket sa finals nang pataubin ang San Beda University, 62-61.

“We know that job’s not finished. We still have to play in the finals and hopefully, we get that championship,” wika ni Blazers’ ace player Migz Oczon.

Maliban kay Oczon, kukuha rin ng lakas ang Blazers kina MVP top canidate Will Gozum at Jimboy Pasturan na humataw ng 16 points sa kanilang panalo sa San Beda.

“I really hope that this will be our year, it’s going to be our destiny. The finals will be tougher,” wika naman ni Blazers’ mentor Charles Tiu.

Lalaruin ang Game Two sa parehong venue sa Disyembre 11 at kung aabot ang serye sa Game Three ay idaraos ito sa Disyembre 18 sa Big Dome.

NCAA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with