^

PM Sports

Bolts tumukod sa Beermen

Russell Cadayona - Pang-masa
Bolts tumukod sa Beermen
Lumutang sa ere si San Miguel import Devon Scott para sa kanyang dunk kontra sa Meralco.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Itinakas ng San Miguel ang 113-108 panalo kontra sa talsik nang Meralco bilang preparasyon sa quarterfinals ng 2022 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Ito ang ikaapat na sunod na panalo ng Beermen para sa kanilang 7-5 record sa pagtiklop ng eliminations at inilaglag ang Bolts sa pangatlong dikit na kabiguan para sa 4-8 marka.

Bilang No. 5 team ay lalabanan ng SMB ang No. 4 Converge sa isang best-of-three quarterfinals series.

“They have a lot of great players, they have a really good import. But the focus and the attention to detail that we had for three quarters is what we have to take for the next game,” ani Beermen import Devon Scott sa FiberXers.

Kumolekta si Scott ng 32 points at 13 rebounds para sa San Miguel na nagposte ng 25-point lead bago nakadikit ang Meralco sa 106-111 sa huling 10.4 segundo mula kina import KJ McDaniels, Aaron Black at Bong Quinto.

Ang dalawang free throws ni Scott ang nagtaas sa Beermen sa 113-108 para selyuhan ang panalo sa Bolts.

Tumapos si Mc­Daniels na may 27 points, 8 boards, 4 assists, 2 steals at 3 blocks at may 21 markers si Black sa panig ng Meralco.

Samantala, sinikwat ng Magnolia (9-3) ang No. 2 berth matapos ang 106-90 paggiba sa Rain or Shine (5-7).

Sasagupain ng second seeded na Hotshots ang No. 7 Phoenix Fuel Masters at haharapin ng No. 1 Bay Area Dragons (10-2) ang mananalo sa playoff ng Elasto Painters at NLEX Road Warriors (5-7) para sa No. 8 seat.

PBA COMMISSIONER’S CUP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with