^

PM Sports

Brownlee abala sa PBA at sa naturalization process

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Abala man sa proseso ng kanyang naturalization sa Kongreso ay impresibo pa rin ang performance ni Justin Brownlee para sa Barangay Ginebra papasok sa playoffs ng 2022 PBA Commissioner’s Cup.

Ayon kay Gin Kings head coach Tim Cone, wala pa ni isang praktis na hindi nalalahukan si Brownlee kahit pa nasa kasagsagan ng siksik na schedule ng kanyang aplikasyon upang ma­ging susunod na naturalized player ng Gilas Pilipinas.

Ni isang day off ay wala pa aniyang kinuha o ipinaalam si Brownlee na simbolo ng kanyang professio­nalism bilang resident import sa PBA at kagustuhang ma­ging ganap na Pinoy sa bisa ng naturalization.

“He was going there, coming back and he didn’t take any days off. Certainly, a sacrifice for him and trying to keep your energy level up and doing all these things at once and focus,” ani Cone.

Sa nakalipas na dalawang linggo habang dire-diretso rin ang ensayo at laro ng Ginebra sa PBA, sunud-sunod din ang pagpunta ni Brownlee sa Kongreso para sa pagdinig ng mga mambabatas sa House Bill No. 6224.

Sa katunayan ay dala-dala palagi ni Brownlee ang kanyang barong tagalog at pantalon sa practice ng Ginebra sa SMC Sports Complex sa Pasig para hindi na kailangang umuwi at dumiretso na agad sa House hearing sa Batasang Pambansa sa Quezon City.

Noong Martes ay pumasa sa third at final reading sa Kongreso ang naturalization ni Brownlee at sa sumunod na araw ay binitbit ang Ginebra sa 115-96 panalo sa Converge sa likod ng 25 points, 12 rebounds at 9 assists.

“It’s quite a process. I think if you haven’t been through that, you don’t really know what it is like but here is Justin, sitting here as the Best Player of the Game despite all of that. It’s awesome,”ani Cone.

Sunod na dadaan si Brownlee sa hearing ng Senado bago ang bicameral committee ng parehong kapulungan tsaka iaakyat kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa kanyang pirma.

vuukle comment

JUSTIN BROWNLEE

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with