^

PM Sports

Cignal taob sa Petro Gazz

Chris Co - Pang-masa
Cignal taob sa Petro Gazz
Si Aiza Maizo-Pontillas ng Petro Gazz laban kay Rachel Anne Daquis ng Cignal.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Umarangkada ng husto ang Petro Gazz sa third set tungo sa 25-21, 27-25, 37-35 panalo laban sa Cignal upang hablutin ang 1-0 bentahe sa finals ng PVLReinforced Conference sa Smart Araneta Coliseum.

Nagpasabog si Lindsey Vander Weide na nagrehistro ng 34 puntos, walong digs at limang receptions para manduhan ang Gazz Angels sa pagsikwat ng unang panalo sa best-of-three championship series.

Hataw din sina Aiza Maizo-Pontillas at Myla Pablo na nagbaon ng tig-10 puntos habang umiskor si MJ Phillips ng walong hits para tulungan ang Gazz Angels.

Tanging si outside hitter Tai Bierria lamang ang nagtala ng double digits para sa HD Spikers matapos umani ng 18 puntos.

Pakay ng Gazz Angels na maipormalisa ang pagkopo sa kampeonato sa pagsambulat ng Game 2 sa Martes sa Philsports Arena sa Pasig City.

Sa unang laro, hindi ininda ng Creamline ang pagkawala ni import Yeliz Basa para pataubin nito ang Chery Tiggo, 25-22, 22-25, 25-5, 25-19, upang makalapit sa bronze medal.

Hindi nakapaglaro si Basa dahil sa injury.

Ngunit hindi ito na­ging problema para sa Cool Smashers dahil solido ang local players nito partikular na si two-time MVP Tots Carlos na humataw ng 19 puntos.

“We’re super happy and we really played well. We’re grateful for the win – for all our supporters,” ani Carlos.

Naglista pa si team captain Alyssa Valdez ng 16 puntos habang gumawa naman si middle blocker Pangs Panaga ng 14 hits gayundin sina Michele Gumabao at Jema Galanza na naglista ng 11 at 10 markers, ayon sa pagkakasunod.

“Masaya kami, naka-recover kami na hindi kami nakalaro sa finals. Siguro yung break napunta sa amin kasi medyo gumanda yung blocking at serve namin sa set 3,” ani Cool Smashers head coach Sherwin Meneses.

Nanguna para sa Crossovers si Roselle Baliton tangan ang 10 puntos kabilang ang limang blocks habang nalimitahan si import Jelena Cvijovic sa siyam na puntos. 

PVL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with