51 pts ni Booker gumiba sa Bulls
PHOENIX — Nagpasabog si Devin Booker ng season-high na 51 points at humakot si Deandre Ayton ng 30 points at 14 rebounds sa 132-113 pagpapasikat ng Suns sa Chicago Bulls.
Kumonekta si Booker ng 20-of-25 field goal shooting kasama ang 6-of-7 clip sa three-point range at naging ikalawang player sa huling 25 taon na umiskor ng 50 points mula sa 80% shooting sa unang tatlong quarters ng isang laro matapos si James Harden noong 2017.
Ito ang ikaanim na sunod na ratsada ng Phoenix para sa kanilang 15-6 record.
Sa Sacramento, tumipa sina Harrison Barnes at Malik Monk ng tig-22 points para igiya ang Kings (11-9) sa 137-114 dominasyon sa Indiana Pacers (12-9).
Sa Denver, nagtala si Jamal Murray ng 26 points sa 120-100 paggupo ng Nuggets (14-7) sa Houston Rockets (5-16).
Sa New Orleans, nagsalpak si Zion Williamson ng 33 points sa 126-108 pagdaig ng Pelicans (13-8) sa Toronto Raptors (11-10).
Sa Oklahoma City, kumamada si Jalen Williams ng season-high 27 points sa 119-111 panalo ng Thunder (9-13) sa San Antonio Spurs (6-16).
- Latest