^

PM Sports

51 pts ni Booker gumiba sa Bulls

Pang-masa

PHOENIX — Nagpasabog si Devin Booker ng season-high na 51 points at humakot si Deandre Ayton ng 30 points at 14 rebounds sa 132-113 pagpapasikat ng Suns sa Chicago Bulls.

Kumonekta si Booker ng 20-of-25 field goal shooting kasama ang 6-of-7 clip sa three-point range at naging ikalawang player sa huling 25 taon na umiskor ng 50 points mula sa 80% shooting sa unang tatlong quarters ng isang laro matapos si James Harden noong 2017.

Ito ang ikaanim na sunod na ratsada ng Phoenix para sa kanilang 15-6 record.

Sa Sacramento, tumipa sina Harrison Barnes at Malik Monk ng tig-22 points para igiya ang Kings (11-9) sa 137-114 dominasyon sa Indiana Pacers (12-9).

Sa Denver, nagtala si Jamal Murray ng 26 points sa 120-100 paggupo ng Nuggets (14-7) sa Houston Rockets (5-16).

Sa New  Orleans, nagsalpak si Zion Williamson ng 33 points sa 126-108 pagdaig ng Pelicans (13-8) sa To­ronto Raptors (11-10).

Sa Oklahoma City, kumamada si Jalen Williams ng season-high 27 points sa 119-111 panalo ng Thunder (9-13) sa San Antonio Spurs (6-16).

DEVIN BOOKER

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with