^

PM Sports

Gallent papalit kay Austria sa SMB?

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kung didiretso ang San Miguel sa kanilang ikaapat na sunod na panalo ay posibleng si assistant Jorge Gallent na ang tuluyang humawak sa koponan bilang kapalit ni coach Leo Austria.

Si Gallent muli ang mamamahala sa Beermen sa pagsagupa sa sibak nang Meralco Bolts ngayong alas-3 ng hapon sa 2022 PBA Commissioner’s Cup sa Philsports Arena sa Pasig City.

Inupuan na ng San Miguel, may 6-5 record, ang No. 5 spot at lalabanan ang No. 4 Converge (8-4) sa isang best-of-three quarterfinals series.

Iginiya ni Gallent ang Beermen sa tatlong dikit na ratsada sapul nang isailalim si Austria sa health and safety protocols.

“May momentum kami and ayokong sirain iyon,” wika ni Austria. “So si coach Jorge muna ulit para sa game, total no-bearing naman.”

Inaasahan ding magla­laro na si three-time sco­ring champion Terrence Romeo na hindi pa sumasalang sa season dahil sa kanyang back injury.

“He’s been practicing really well these past few days and he’s ready to go,” ani Austria.

Sa ikalawang laro sa alas-5:45 ng hapon ay haharapin ng Magnolia (9-2) ang Rain or Shine (5-6).

Determinado ang Hotshots na angkinin ang No. 2 berth tangay ang ‘twice-to-beat’ incentive kontra sa No. 7 sa quarters habang ang pagsikwat sa No. 8 ticket ang pakay ng Elasto Painters.

Ang panalo ng Magnolia ang magbibigay sa kanila ng No. 2 seat at ang kabiguan ang magtataas sa Barangay Ginebra (9-3) sa nasabing puwesto.

Gusto ring manalo ng Rain or Shine para makaiwas sa playoff sa NLEX (5-7) sa No. 8.

vuukle comment

PBA COMMISSIONER’S CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with