^

PM Sports

Ateneo inagaw ang top spot

Russell Cadayona - Pang-masa
Ateneo inagaw ang top spot
Pinag-agawan ng mga players ng Ateneo at Adamson ang looseball.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Nakamit ng Ateneo De Manila University at ng De La Salle University ang kanilang tinatarget.

Inangkin ng Blue Eales ang No. 1 seat sa Final Four matapos gibain ang Adamson Soaring Falcons, 66-61 habang tinalo ng Green Archers ang talsik nang UST Growling Tigers, 77-72, sa UAAP Season 85 men’s basketball tournament kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Dahil sa win-over-the-other rule ay naagaw ng Ateneo ang top seeding sa semifinals laban sa nagdedepensang University of the Philippines sa magkatulad nilang 11-3 record.

Binigo ng Katipunan-based team ang Diliman-based squad, 75-67, noong Sabado.

Bilang No. 1 at No. 2 teams ay magkakaroon ang Blue Eagles at Figh­ting Maroons ng ‘twice-to-beat’ advantage sa No. 4 at No. 3, ayon sa pagkakasunod, sa Final Four.

Lalabanan ng UP ang No. 3 NU (9-5), habang sasagupain ng Ateneo ang mananalo sa playoff ng La Salle at Adamson para sa No. 4 spot.

 Matapos ang basket ni Kouame para sa 64-61 abante ng Ateneo sa natitirang 35.3 segundo ay mintis ang tatlong 3-point attempts ng Adamson.

Sinelyuhan ni BJ Andrade ang panalo ng A­teneo mula sa kanyang dalawang free throws.

UAAP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with