^

PM Sports

Benilde naghahanda sa pisikalang finals

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naghahanda ang College of Saint Benilde sa pisikalang laro sa oras na makaharap nito ang defending champion Colegio de San Juan de Letran sa finals ng NCAA Season 98 men’s basketball tournament.

Lalarga ang best-of-three championship series ng Knights at Blazers bukas kung saan inaasahan ang mainit na salpukan para sa korona.

Aminado si Benilde head coach Charles Tiu na pisikal maglaro ang Knights at ito ang isa sa pinaghahandaan ng kanilang tropa.

“I think we need to be physical against Letran. Everybody knows they’re a physical team. They are the bullies out here. We’ll just try our best to prepare for the Finals,” ani Tiu.

Sa kabilang banda, masaya si Letran head coach Bonnie Tan na buhay na buhay pa rin ang tangka ng kanilang tropa na masikwat ang three-peat.

“Yung three-peat se­condary syempre, nandyan yung bonus pag nanalo, pero kami naman we take our game day-by-day, kung sino lang yung ano. We’re not thinking about yung mga sweep sweep dyan. Basta kami, kung ano yung binigay samin e yun lang,” ani Tan.

Handa na ang buong Knights na sagupain ang Blazers na hawak ang top seeding sa pagtatapos ng eliminasyon.

At naniniwala si Tan na underdogs sila sa finals series.

“Number one team yung CSB so mindset pa din namin is dehado side. Excited din kami makalaban ang CSB sa finals dahil first time nila after a long years na absent sila sa finals,” ani Tan.

Pakay ng Letran na masiguro ang ikatlong sunod na kampeonato upang mapatatag ang kapit nito bilang numero unong collegiate team sa liga.

 

NCAA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with