^

PM Sports

Clippers hiniya ang Blazers

Pang-masa

PORTLAND, Ore. — Iniskor ni Norman Po­well ang 22 sa kanyang 32 points sa fourth quarter para tulungan ang Los A­ngeles Clippers sa 118-112 panalo sa Trail Bla­zers.

Nagtala si Reggie Jackson ng 24 points at 12 assists para sa ikalawang sunod na ratsada ng Los Angeles (13-9) na nakahugot kay Ivica Zubac ng 12 points at 13 rebounds.

Kumonekta naman si Anfernee Simons ng siyam na three-pointers para tumapos na may 37 mar­kers sa panig ng Portland (11-10) na nakakuha kay Jerami Grant ng 32 points.

Itinala ng Blazers ang 95-82 abante sa third quarter, ngunit humataw ang Clippers ng 36 points sa final period para agawin ang panalo.

Nagsalpak si Nicolas Batum ng triple kasunod ang jumper ni Marcus Morris para sa 113-110 abante ng Los Angeles, habang ang tirada ni Po­well sa huling 1:23 minuto ang sumelyo sa kanilang panalo sa Portland.

Sa Dallas, kumolekta si Luka Doncic ng 41 points, 12 assists at 12 rebounds para sa kanyang ika-51 career triple-double sa paggiya sa Mavericks (10-10) sa 116-113 pagtakas sa nagdedepensang Golden State Warriors (11-11).

Pinamunuan ni Stephen Curry ang Warriors sa kanyang 32 points at nag-ambag si Jonathan Kuminga ng 14 points at 10 rebounds.

Sa Detroit, nagposte si Julius Randle ng season-high na 36 points para akayin ang New York Knicks (10-11) sa 140-110 pagsapaw sa Pistons (5-18).

CLIPPERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with