^

PM Sports

Road Warriors humihinga pa!

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Humirit ng tsansa ang NLEX para sa playoff sa isang quarterfinals seat matapos sibakin ang Meralco, 92-81, sa 2022 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Nagposte si import Earl Clark ng 40 points, 11 rebounds, 2 assists at 2 blocks para isara ng Road Warriors ang eliminasyon sa 5-7 baraha at ipagdasal na matalo ang Rain or Shine (5-6) sa Magnolia (9-2) bukas upang maitakda ang playoff game para sa No. 8 spot sa quarterfinals.

“Just win this game first and we’ll see what’s gonna happen,” ani coach Frankie Lim. “Bahala sila sa game nila. Basta kami tapos na, maghihintay kami.”

Tuluyan namang nasibak ang Bolts sa kanilang 4-7 marka kasabay ng pag-usad sa quarters ng San Miguel Beermen (6-5), NorthPort Batang Pier (6-6) at Phoenix Fuel Masters (6-6).

Bumangon ang NLEX mula sa 18-point deficit, 39-57, sa halftime para makalapit sa 57-62 sa 3:39 minuto ng third period mula sa inihulog na 18-5 bomba.

Isinara ng Meralco ang nasabing yugto sa 71-64.

Bumida si Clark sa ratsada ng NLEX sa final canto para itayo ang 11-point lead, 88-77, sa huling 1:48 minuto ng laro.

Pinamunuan ni KJ McDaniels ang Bolts sa kanyang 22 points.

Samantala, pinalakas ng Barangay Ginebra (9-3) ang kanilang pag-asa sa No. 2 berth matapos sikwain ang 115-96 panalo sa Converge (8-4).

Ipapanalangin ng Gin Kings na malasin ang Magnolia Hotshots (9-2) sa Rain or Shine Elasto Painters (5-6) bukas para ganap nang makamit ang ikalawang ‘twice-to-beat’ bonus sa quarters.

 

NLEX

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with