^

PM Sports

Shastaloo, Righteous Ruby muling maghaharap sa ‘Japan Cup’

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Muling magtatapat sa pista ang Shastaloo at Righteous Ruby sa ilalargang 2022 PHILRACOM “Japan Cup” na pakakawalan sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City sa Batangas sa Disyembre 11.

Nagkumpirma ng pagsali ang connections ng Shastaloo at Righteous Ruby sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.

May distansyang 1,800 meter race, nakalaan ang P1M guaranteed prize na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta kaya inaasahang bakbakang umaatikabo ang masisilayan ng mga karerista.

Ang iba pang lalahok ay ang Bombay Nights, Dragon Butterfly, Runway, Runway Dreamer, Starinmydreams, Sudden Impact, Time For Glory at Wonderland.

Kukubrahin ng mana­nalong kabayo ang P600,000, mapupunta sa second placer ang P200,000, ibubulsa ng pa­ngatlo ang P100,000 habang tig P50,000, P30,000 at P20,000 ang fourth, fifth at sixth ayon sa pagkakahilera.

Gagabayan ni star j­ockey Jeffril Zarate ang Shastaloo habang si MM Gonzales ang rerenda sa Righteous Ruby.

PHILRACOM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with