^

PM Sports

Trollano Cignal Play PBAPC POW

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sinungkit ni Don Trollano ang Cignal Play-PBA Press Corps Player of the Week matapos tulungan ang NLEX Road Warriors na manatiling nasa kontensyon ng 2022 PBA Commissioner’s Cup.

Pinantayan ni Trollano ang kanyang career-high na 26 points sa 120-117 overtime win ng NLEX sa Barangay Ginebra para maputol ang five-game losing skid.

Iniskor ito lahat ni Trollano sa second half kabilang na ang pitong tres na nag-angat sa Road Warriors sa 4-7 kartada.

Naapula nila ang mainit na five-game winning streak ng Gin Kings at naiganti ang masaklap na 114-124 kabiguan sa Terrafirma.

“We were motivated coming from the terrible loss to Terrafirma. Hindi kami pwedeng matalo tonight,” ani Trollano matapos ang masakit na pagkatalo sa Dyip na nawakasan ang 25-game losing skid sa PBA.

Buhay na buhay pa ang NLEX sa karera para sa playoffs ng import-flavored conference papasok sa huling laban nila sa Meralco (5-6) ngayon.

Unanimous ang nakuhang boto ni Trollano para sa lingguhang parangal na iginagawad ng print at online media na regular na sumusubaybay sa PBA beat. 

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with