^

PM Sports

Cignal, Petro Gazz umentra sa Finals

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasiguro ng Cignal at Petro Gazz ang tiket sa finals ng Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Confe­rence dahil sa mas mataas na quotient points.

Sa huling araw ng semis, natalo ang Cignal sa defen­ding champion Petro Gazz, 14-25, 21-25, 27-25, 19-25, kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Parehong may 2-1 rekord ang HD Spikers at Gazz Angels.

Ngunit dahil mas mataas ang quotient points ng Cignal at Petro Gazz, nakuha ng dalawa ang karapatang umusad sa finals.

Nagpasabog ng 30 puntos si American reinforcement Lindsey Vander Weide para pamunuan ang Gazz Angels.

“Cignal is a good team and it’s a good momentum going into the finals,” ani Vander Weide.

Mainit ang Gazz Angels sa attack line nang magpako ito ng 60 hits laban sa 44 kills ng HD Spikers.

Halimaw din sa net ang Petro Gazz na kumana ng 13 blocks kumpara sa apat ng Cignal.

Tuluyan nang naglaho ang tangka ng Creamline na makumpleto ang Grand Slam matapos pagreynahan ang Invitational Conference at All-Filipino Conference.

Pinayuko ng Creamline ang Chery Tiggo, 25-16, 20-25, 14-25, 25-11, 15-9, subalit hindi ito sapat para makuha ang finals spot.

Tinapos din ng Cool Smashers ang semis bitbit ang 2-1 marka ngunit mas mababa ang quotient points nito kumpara sa HD Spikers at Gazz Angels.

 

PETRO GAZZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with