^

PM Sports

Ateneo puntirya ang Top spot sa F4

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pipilitin ng Ateneo De Manila University na madagit ang No. 1 berth sa Final Four sa pagsagupa sa Adamson University sa pagtiklop ng second round ng UAAP Season 85 men’s basketball tournament.

Nakatakda ang bakbakan ng Blue Eagles at Soaring Falcons ngayong alas-4 ng hapon matapos ang salpukan ng La Salle Green Archers at sibak nang University of Santo Tomas Growling Tigers sa alas-2 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.

Okupado ng nagdedepensang University of the Philippines ang top spot sa kanilang 11-3 record kasunod ang Ateneo (10-3), National University (9-5), Adamson (7-6), La Salle (6-7) at mga talsik nang University of the East (5-9), Far Eastern University (5-9) at UST (1-12).

Hawak na ng Fighting Maroons at Blue Eagles ang ‘twice-to-beat’ advantage laban sa No. 3 at No. 4 teams sa Final Four, ngunit maaari pang magbago ang kanilang mga posisyon.

Kung mananalo kasi ang Ateneo sa Adamson ay sila ang kukuha sa No. 1 seat kaharap ang No. 4 kahit magtabla sila ng UP sa 11-3 bunga ng kanilang 75-67 panalo sa Diliman-based team noong nakaraang Sabado.

At kung matatalo ang Eagles ay makukuntento sila bilang No. 2 kalaban ang No. 3 Bulldogs sa semifinals.

UAAP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with